Lunes, Nobyembre 26, 2018

Awitin ng Ina sa Kaniyang Panganay

1.Pagkilala sa May-akda

Ang mga taga-Uganda ay pinapahalagahan, iniingatan, at minamahal ang kanilang mga anak at iniisip nila ang mangyayari sa hinaharap at ang kinabukasan ng kanilang anak. Maaring ito'y kaugalian na ng mga taga-Uganda. Isa sa mga kultura nila ay ang paniniwala nila na ang pagpapakabayani ay isang paraan upang makatulong at sila'y maging parte ng alaala ng mga tao.

2.Uri ng Panitikan

Tula - ay maaring mauri batay sa taludturan. May sukat at tugma.
3.Layunin ng Akda
Maipakita kung gaano kamahal ng isang ina ang kanilang anak. Maipahayag ang damdamin ng bawat ina at kung gaano sila nagsasakripisyo para sa anak nila. Pinapikita din dito na hindi madaling maging isang ina dahil kinakailangan din dito mg malaking sakripisyo at pagbibigay oras.

4.Tema o Paksa ng Akda

Pagpapahalaga ng pagmamahal ng isang Ina sa kanyang panganay na anak at hinde pagsuko sa mga problemang haharapin at pagbibigay buong puso ng kanyang obligasyon at mga kailangan para sa kaniyang panganay.

5.Mga Tauhan/ Karakter sa Akda

Ang ina ang pangunahing tauhan. Ipinapakita dito ang pagpapahalaga at pagiingat ng ina sa kanilang mga anak dahil inaasahan nila na ito ay magiging bayani pagdating ng panahon.

Ang panganay na anak (pangalawang tauhan). Dito linalabas ng buong puso ng Ina ang kanyang pagmamahal at kahit sa kung ano man ang mangayari ay gagabayan niya ito at isa itong biyaya para sa kanya.

6.Tagpuan/Panahon

Sa kapanganakan- nung panahong isinilang ang panganay na anak.

7.Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari

Nangangarap ang ina tungkol sa kanyang anak .... "Naway gaing matibay ka sa bawat pagsubok na darating sa iyong buhay , aking anak" Ayan ang hiling nya sa kanyang musmos na anak , nais nya itong maging matapang sa hamon nang kanyang buhay at tumulad ito sa kanyang ama. nais nya itong matutong maipaglaban ang kanyang sarili at manuno sa sarili nitong tribu. Sa bawat paglaban nito ay lagi syang babantayan ng mga diyos , maging sa kanyang matalinong pagdedesisyon. Magkaroon man nang sinisinta ang kanyang anak , nais ng kanyang ina na maging masaya ang kanyang anak dito , pahalagahan ng kanyang anak ang kanyang magiging apo pati narin ang asawa nito. Matutong magpasalamt sa diyos at maging responsableng ama. Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak. Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma. Samakatuwid, ako’y minahal. Samakatuwid, ako’y lumigaya. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. "Pahalagahan mo kami ng iyong ama" yan ang tanging hiling ng ina. Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. Ika’y mahimbing, Ako’y wala nang mahihiling.

8.Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng Akda

Pagiging handa sa mga responsibilidad sa mga bagay na gawain ng isang Ina at pagbigay ng suporta at gabay at maayos na pangngaral hanggang sa magkarron ng tamang pagiisip, pagbibigay ng buong pusong pagmamahal at pagsukli ng pagmamahal nato.

9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Teoryang pampanitikan

Romantisismo- Pag aalay ng pagibig sa kapwa.
- ay nagpapahalaga sa damdaming napakaloob sa akda.
- nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao.
Humanismo- Ang tao mismo ang pinaguusapan sa tula.
- Ang tao ang pinapahalagan sa tula.
- nakapalibut sa tao ang tungkol sa tula.

10.Buod

Mangusap ka sa akin, sanggol na aking minamahal,
Mangusap ka sa akin, sa iyong humahalakhak at mabilog na mga mata,
Mangusap ka sa akin, aking sanggol

hindi maari ang pangalang ikakahiya, dahil ikaw ay aking panganay.
hindi ka maaaring tulad sa pangangalanan ng anak ni nawal.

kaninong espiritu ang nananahan sa iyo, munting mandirigma?
kaninong kamay ng sibat ang mahigpit na nakapangunyapit sa aking dibdib?

O aking anak, labis ang aking kagalakan,
Ngayon, sa katanuyan, ako ay ganap na asawa.
Hinde na nobya lamang, ngunit isang ina
Maging dakila ka at marikit, anak na pagnanais
Magmalaki ka, tulad ng aking pagmamalaki.
Magsaya ka, tulad ng aking pagsasaya
Mahalin gaya ko na minamahal

At ako, ako ang Ina ng Kaniyang panganay.
Humihilay ka, anak ng karikitan at kagitingan at katuparan, humilay
Ako ay nalulugod.



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento