Lunes, Nobyembre 26, 2018

Ang Magkasintahang Romeo at Juliet

Romeo at Juliet

(dula ni William Shakespeare)


I.                    Pagkilala sa May-Akda
Si William Shakespeare (26 Abril 1564 (bininyagan) 23 Abril 1616) ay isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at pre-eminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay kiabibilangan ng mga kolaborasyon, na may mga 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba pang mga berso, na ang iba ay hindi sigurado kung kanino.

Ang mga dula niya ay naisalin na sa lahat ng pangunahing buhay na wika at mas tinatanghal ang mga ito kompara sa iba pang mga mandudula. Si Shakespeare ay sinilang at pinalaki sa Stratford-upon-Avon, Warwickshire. Sa edad na 18, pinakasalan niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak: si Susanna, at ang kambal na sina Hamnet at Judith. Sa isang panahon sa pagitan ng 1585 at 1592, nagkaroon siya ng maunlad na karera bílang isang aktor, manunulat, at part-owner ng isang playing company na Lord Chamberlain's Men, na nang naglaon ay tinawag na King's Men.

Nagretiro siya sa Stratford marahil noong 1613, sa edad na 49, kung saan namatay siya matapos lumipas ng tatlong taon. Kaunting mga talâ tungkol sa pribadong búhay ni Shakespeare ang natitirá, dahilan upang magkaroon ng malaking spekulasyon tungkol sa kaniyang mga pisikal na katangian, seksuwalidad, at paniniwalang relihiyoso, at kung ang mga akda na inuugnay sa kaniya ay iba ba ang nagsulat.

II.                Uri ng Panitikan
Dula dahil ito ay naging dula dahil isa itong drama na ginaganap sa entablado.

III.             Layunin ng Akda
Ang layunin ng “Romeo at Juliet”:
-     Ipinapakita dito ang wagas na pagmamahal, at ang storya ding ito ay nagpapatunay ng “love at first sight” dahil kahit saglit pa lamang nangkita ang dalawang nagmamahalan, nag umapaw na agad ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ipinapakita rin dito ang tunay na pagmamahal, dahil kahit magkagalit ang kanilang mga pamilya sa isa’t isa, nagawa pa rin nilang tanggapin ito ng walang pag-aalinlangan.

IV.               Tema o Paksa ng Akda
Paksa ng akda ang dulang “Romeo at Juliet” ay kwento ng kasawian mula sa magkabilang mundong nagmamahalan kung saan ang kanilang kamatayan ang daan upang magkabati ang dalawang pamilyang matagal ng nag-iiringan.

V.                  Mga Tauhan sa Akda
·         Romeo- ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng Pamilyang Montague.

·         Juliet- ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng Pamilyang Capulet.

·         Paris- ang karibal ni Romeo sa pag-ibig ni Juliet. Masugid na manliligaw ni Juliet.

·         Padre Lawrence- ang pari na nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet. Ang paring handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.

·         Tybalt- Si Tybalt ay pinsan ni Juliet. Matapos mapatay ni Tybalt ang matalik na kaibigan ni Romeo na si Mercutio sa kanilang sagupaan, naghiganti si Romeo at sinaksak siya nito na naging kadahilanan kung bakit pinaalis si Romeo sa Verona.

·         Mercutio- Si Mercutio ay ang matalik na kaibigan ni Romeo. Siya rin ang nakaaway ni Tybalt sa isang sagupaan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

VI.               Tagpuan o Panahon
·         Unang Tagpo: Inisip ni Romeo na walang makakapalit kay Juliet sa puso niya, kahit sino pang magandang babae na kanyang makaharap ay hindi siya matuturuang kalimutan si Juliet. Samantalang iniisip ni Juliet ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa lalaking nais siyang ligawan.

·         Pangalawang Tagpo: Dumalo sa piging si Romeo at batid niya ang umaapaw na kagandahan ni Juliet. Pinakita ni Tybalt ang kanyang pagkapuot kay Romeo nang sabihin niya sa tiyuhin niyang Capulet na si Romeo ay isang Montague at dapat na paalisin sa piging na ito. Sinabi ng tiyuhing Capulet na hindi siya dapat paalisin dahil batid niya ang dangal ng kanyang pagkatao. Nagkita si Romeo at Juliet at sila ay naghalikan.

·         Ikatlong Tagpo: Sa yugtong ito ay ang pagkakabunyag ng pangalan ni Romeo bilang Montague. Dito rin ang pagtatapatan ng pag-ibig sa pagitan ni Romeo at Juliet. Ipinangako ni Romeo ang tunay niyang pagmamahal kay Juliet.

·         Ika-apat na Tagpo: Ang pagkikita ni Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang pari.

·         Ikalimang Tagpo: Ang pagpatay ni Tybalt kay Mercurio at ang pagtutuos nila ni Romeo.

·         Ika-anim na Tagpo: Inisip ni Juliet ang pagpapakasal niya kay Paris.

·         Ikapitong Tagpo: Binigyan ni Padre Laurence ng lason si Juliet upang solusyon sa paghadlang sa pagpapakasal niya kay Paris.

·         Ikawalong Tagpo: Ininom ni Juliet ang lason.

·         Ikasiyam na Tagpo: Nalaman ni Romeo ang sinapit ni Juliet. Dahil dito, pumunta siya sa isang butikaryo upang humingi ng lason upang magpakamatay na rin.

·         Ikasampung Tagpo: Nalaman ni Padre Laurence ang sinapit ni Romeo.

·         Ikalabing-isang Tagpo: Nagpakamatay si Romeo. Nagising mula sa hiram na kamatayan si Juliet at nang malaman na nagpakamatay na si Romeo ay sinaksak niya ang kanyang sarili.

VII.           Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
Galaw ng mga Pangyayari:
A.     Pangunahing Pangyayari
-     Nagkaroon ng alitan sa dalawang pamilya sa Verona, Italy, dahil sa kani-kanilang tagapaglingkod, nalaman ito ni Prinsipe Escalus at nagbanta ng isang matinding parusa na darating sa mga mag-aaway. Si Romeo Montague ay nalulungkot dahil hindi mabawi ni Rosaline ang pag-ibig niya. Nalaman ni Romeo ang tungkol sa Masked Party ng mga Capulet, kasama sila Benvolio at Mercutio, nagpanggap sila bilang mga imbitado. Doon niya nakilala si Juliet Capulet at agad nilang minahal ang isa't isa.

B.     Pasidhi o pataas ng pangyayari
-     Pumunta si Romeo sa balkonahe ng mga Capulet pero ang nakakita lang dito ay si Juliet, at umamin si Romeo, nagpakasal sila ni Padre Laurence. Matapos iyon, si Tybalt ay naghahamon ng away laban kay Romeo, ngunit imbis na si Romeo ang nakipaglaban ay si Mercutio ang humarap dito at napatay ni Tybalt si Mercutio, at si Romeo naman ay naghiganti at pinatay si Tybalt.

C.     Karurukan o kasukdulan
-     Nalaman ito ng prinsipe at pinalayas niya si Romeo sa Verona, nagtago naman ito sa Mantua. Napagdesisyunan ng ama ni Juliet na ipakasal siya kay Paris. Dahil ayaw ni Juliet, humingi siya ng tulong kay Padre Laurence at gumawa ito ng lason na makakapagpatulog sa kaniya ng dalawang araw.

D.     Kakalasan o pababng aksyon
-     Gusto niyang ipadala ang balita na ito kay Padre John, ngunit sa kasamaang palad hindi ito nakarating kay Romeo ang plano at inikalang patay ayon sa tagapaglingkod niya. Bumili si Romeo ng lason at bumalik sa Verona. Pinuntahan niya ang libingan ng mga Capulet kung saan nagkita sila ni Paris at ito'y kaniyang pinatay. Pumunta ito sa tabi ni Juliet, ininom ang lason at namatay. Nang makarating si Padre Laurence, nagising si Juliet at nakita ang patay niyang sinta. Sinubukang kumbinsihin ni Padre Laurence si Juliet ngunit pinatay niya rin ang sarili niya.

E.      Wakas
-     Nalaman ng dalawang pamilya ang balita, at dahil dito ay tinigil na nila ang away.

VIII.        Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Dito makikita ang kapangyarihan ng pag-ibig, gagawin ang lahat para lamang sa minamahal kahit anong hamak ay babalewalain lahat.

IX.               Istilo ng Pagkakasulat ng Akda o Teoryang Pampanitikan

Ang akdang “Romeo at Juliet” ay kinikilala bilang isang mahabang tula, madamdamin, at mala-tula. Isa na rin ito sa mga pinakakilalang likha ni William Shakespeare. Pero ano kaya mayroon sa estilo ng paggawa nito na may “love-hate relationships” sa mga mambabasa at manonood? Gamitin natin ang desulat na anyo nitoang pinaka-orihinal. Gustong ipadating ni Shakespeare na ang kwentong ito ay malaking bagay. Magmula sa mga matalinhagang pananalita ng tula, binibigyang ideya ni Shakespeare ang mga mambabasa kung ano ang nangyayari at kung ano ang nararamdaman ng mga tauhan sa pangyayaring ito. At ayon sa spekulasyon, ang “Romeo at Juliet” ay isang halimbawa ng blank verse kung saan ito ay walang tugma, may limang dalawang pantig, at naglalaman ng popular na stress pattern. Gamit ang estilong ito, binibigyang diin ni Shakespeare ang pinaka-punto ng taludtod.

Ang pinaka-teoryang pasok sa “Romeo at Juliet” ay ang teoryang romantisismo. Bakit? Kasi ang naging konklusyon ng kwento (spoiler) ay ang away ng dalawang pamilya ay natigil dahil sa totoong pagmamahal ng magkasintahan. Sinusundan naman ito ng teoryang klasismo kasi ang kwento nito ay nalikha noong 1594 hanggang 1596 at kilalang-kilala pa rin sa taong 2018! At hanggang sa magpakailanman! Ibig sabihin lamang nito na hindi nawala ang ganda at halaga nito sa pagdaloy ng panahon. Pangatlo naman ang eksistensyalismo. Mas luting ito sa panig ng mga Capulets dahil hindi si Juliet ang gumagawa ng mga desisyon niya, lalo na’t sa kasal nya dapat kay Paris. Kaya parang hindi siya ang sariling nilalang kundi parte lang ng nilalang ng ama niya. Sumasailalim naman sa pormalistiko ang paggawa at estilo nito n nabanggit na sa itaas. Ang pinakahuli naman ay ang imahismo. Sobrang “flowery” ang mga salitang ginamit ni Shakespeare na nagbibigay ng mas matalinhagang ibig sabihin ang bawat taludtod at diyalogo.

X.                  Buod
Nagsimula ang lahat ng ito sa Verona, Italy kung saan may matinding away sa pagitan ng mga Montagues at Capulets. Noong mag-away ang mga tagapaglingkod nito, si Prinsepe Escalus ay nagbanta na matinding parusa ang darating doon sa mga mag-aaway. Si Romeo Montague ay nalulungkot dahil hindi maibawi ni Rosaline ang pag-ibig niya. Nang malaman ni Romeo ang tungkol sa masked party ng mga Capulets kasama sila Benvolio at Mercutio, naisipan nilang magpanggap bilang mga inimbitahan. Doon niya nakilala si Juliet Capulet at agad nilang minahal ang isa’t isa. Kahit na nalaman ng isa ang tungkol sa pamilya nila, hindi ito naging problema sa magkasintahan.

Dumating si Romeo sa balkonahe ni Juliet at doon inamin ni Romeo ang pagmamahal niya kay Juliet. Kinabukasan, ikinasal sila ni Padre Laurence. Matapos iyon, si Tybalt (pinsan ni Juliet) ay naghahamon ng away laban kay Romeo. Imbis na si Romeo, si Mercutio ang naklaban na namatay, kung saan binawi ni Romeo ang kamatayan kay Tybalt. Matapos nito, tumakas si Romeo at nang mkarating ito sa prinsipe, pinalayas niya si Romeo sa Verona. Ngayon nasa Mantua siya, nagtatago. Si Juliet ay nalungkot sa nangyari at napagdesisyunan ng kanyang ama na ipakasal siya kay Paris. Dahil ayaw ni Juliet, humingi siya ng tulong kay Padre Laurence at gumawa siya ng lason na patutulugin si Juliet ng dalawang araw.

Gusto niyang ipadala ang balita na ito kay Romeo kaya inilahad niya ito kay Padre John. Sa sinamaang palad, hindi nakarating kay Romeo ang plano at inakalang patay na si Juliet ayon sa tagapaglingkod niya. Bumili siya ng lason at bumalik sa Verona, pinuntahan ang libingan ng mga Capulet kung saan nagkita sila ni Paris at pinatay niya ito. Inulit niya ang pagmamahal niya kay Juliet at ininom ang lason at namatay. Nang makarating si Padre Laurence, nagising si Juliet at nakita ang patay niyang sinta. Sinubukang kumbinsihin ni Padre Laurence si Juliet ngunit pinatay niya rin ang sarili niya. Nakarating ang balita sa dalawang pamilya at dahil dito ay tinigil na nila ang away.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento